|
Article in other languages:
|
Ang Herusalem o Herusalen (31°46′ N 35°14′ E; Ebreo: ירושלים, Yrushalayim; Arabo: أورشليم, Urshalim) ay isang lungsod sa Israel na pinahahalagahan ng mga relihiyon ng mga Hudyo at mga Kristiyano. May iilang mga pook din sa lungsod ang itinuturing na mahalaga sa relihiyon ng mga Muslim. Naging pangunahing layunin ng mga Krusada na masakop ang Herusalem at mabawi ito sa mga Muslim. Ang mga Krusada ay nagsimula noong 1095. Ang Herusalem ang opisyal na kabisera ng Israel at ang kinaroroonan ng residensyang pampangulo, mga tanggapan ng pamahalaan, at ng Kneset. Hindi ito kinikilala ng mga bansang Arabo at dahil dito itinatayo ng mararaming bansa ang kanilang mga embahada sa mga suburbyo o sa iba pang pangunahing lungsod tulad ng Tel Aviv, Ramat-Gan, Herzliya, at kung saan pa upang maiwasan ang mga alitang pampolitika. Inaangkin din ng mga Palestino ang bahagi o ang buong lungsod bilang kabisera ng isang magiging estadong Palestino. Gayumpaman, argumento ng mga Hudyo at ng mga iba pa na ang ganitong klaseng panukala ay baligho sapagkat, di-tulad ng Hudaismo na itinuturing na banal ang lungsod mismo, ikinikilala lamang ng Islam na banal ang iilang mga pook sa lungsod at hindi nagkaroon ng tunay na kahalagahan ang lungsod sa kasaysayan ng relihyong ito. Ayon kay Jose C. Abriol, ang sinaunang Herusalem ay may taas na 750 mga metro sa Dagat ng Mediteraneo. May agwat na 25 mga kilometro ang Herusalem at ang Jerico (250 metro ang baba ng Jerico sa Dagat ng Mediteraneo). Mayroon daan sa pagitan ng dalawang lungsod na ito, na ilang at magubat, na pinamamalagian ng mga tulisan noon at kahit na sa pangkasalukuyang kapanahunan.[1] Mga sanggunian
Mga panlabas na kawing
Questions for article: ang mga krusada, herusalem |
This article is from Wikipedia. All text is available under the terms of the GNU Free Documentation License.
IHS Europe: Infrared Heating Systems for Home and Business.