Hayop

Article on other languages:

del.icio.us del.icio.us
Digg Digg
Furl Furl
Reddit Reddit
Rojo Rojo
Add to OnlyWire
Hayop
Hangganan ng mga labi: Ediacaran - Recent
Clockwise from top-left: Loligo vulgaris (a mollusk), Chrysaora quinquecirrha (a cnidarian), Aphthona flava (an arthropod), Eunereis longissima (an annelid), and Panthera tigris (a chordate).
Pag-uuring pang-agham
Dominyo: Eukaryota
(di-nakaantas) Opisthokonta
Kaharian: Animalia
Linnaeus, 1758
Phyla

Subregnum Parazoa

(alternatively)
Calcarea

Silicarea

Subregnum Eumetazoa

Para sa ibang gamit ng salitang animal, tingnan ang animal (paglilinaw).

Ang mga hayop, animal[1] o Metazoa ay isang pangunahing grupo ng mga organismo sa buong mundo. Tinatawag ang grupo bilang Kahariang Animalia o Kingdom Animalia. Ang tawag sa pag-aral ng mga hayop ay ang zoology.

Mga nilalaman

Mga katangian

Kadalasang multi­cellular ang mga katawan ng hayop. Ang kanilang katawan ay buo habang lumalaki. May mga hayop na lumalaki o tumatanda mula sa isang embryo; lumalaki pagkatapos tanggalin ang exoskeleton nila at mayroon ding mga hayop na dumadaan sa prosesong metamorphosis upang maging ganap na matanda o adult.

Etimolohiya

Ang translation ng salitang hayop ay "animal" na galing sa Italy na salitang animale, neuter ng mga animalis, at kinuha sa salitang anima, na ang ibig sabihin ay buhay o espiritu. Sa kadalasang salita, ang kahulugan nito ay ang mga hayop na hindi tao. Pero sa biology, ang kahulugan ng salitang Hayop ay kasali ang mga tao.

Mga Uri ng Hayop

Chordate

Kasama rito ang mga vertibrates o yung mga hayop na may backbone. Sila ay bahagi ng Phylum Chordata, dahil sa isang punto ng kanilang buhay ay nagkakaroon sila ng isang parang lubid na kung tawagin ay notochord. Kasapi sa grupo na to ay ang pinakamalaking uri ng hayop. Silaay hinihiway sa tatlong grupo: Urochordata, Cephalochodata at Vertebrata

Mga Mamalya (Klase Mammalia) Kadalasan ang mga balat nila ay binabalutan ng buhok. Hindi nangingitlog ang karamihan sa mga mamalya; sinisilang ang kanilang mga anak, na nabubuo sa loob ng katawan ng kanilang ina. Ang natatanging katangian ng mga Mamalya ang kanilang mga suso, na nagbibigay ng gatas sa kanilang mga supling.

Mga Ibon (Klase Aves) Sila lang ang mga hayop na binabalutan ng balahibo o feathers. Karamihan sa mga ibon ay lumilipad. Ayon sa mga siyentipiko, isang dinosaur ang kanilang ninuno. ang mga kamay nila'y napalitan ng pakpak. Tulad ng kanilang ninuno, ang kanilang mga itlog ay matitigas, at di kinakailanang iwanan sa tubig.

Mga Reptilya (Klase Sauropsida) Kasapi rito ang mga hayop na hindi ibon o mamalya, tulad ng butiki, ahas, at buwaya, na binabalot sa mga mabibigat na kaliskis. Di tulad ng mga ibon at mamalya, wala silang kakayahang gumawa ng sariling init sa katawan. Maari silang mangitlog, kung saan ang mga labas ng itlog nila'y malambot, pero hindi kinakailangang ilublob sa tubig.

Mga Amphibyano (Klase Amphibia) Sila ang pinakapayak na uri ng vertebrata na may kakayahang manirahan sa lupa. Kinakailangan nilang mabuhay ng isang kalahati sa tubig at isang kalahati sa lupa dahil kailangan parating basa ang kanilang balat. Lumalaki ang kanilang mga suplig o butete sa tubig, at dahil hawig ng itlog ng isda ang kanilang mga itlog, kinakailangang parating nakalublob sa tubig ang mga ito.

Mga Isda (Mga Klase Myxini, Agnatha, Chondrichthyes, Sarcoptergyii at Actinoptergii ) Ito ay isang salitang ginagamit para sa mga vertebratang nabubuhay lamang sa tubig. Wala silang baga, at kadalasan ay binabalot ang kanilang katawan sa kaliskis. Mayroong mga isdang walang panga (tulad ng lamprey). Sila ang pinakapayak na uri ng vertebrata.

Invertibrate

Mga Colenterate (Klase Colenterate) Ito ay ang mga hayop na nabubuhay rin sa tubig pero mas simple ang kanilang Nervous System at Skeletal System.

Mga Arthropod (Klase Arthropoda) Ang mga hayop na ito ay may segmented na katawan. Ilang sa mga halimbawa nito ay ang mga insekto at ang mga myriapods.

Mga Mollusk (Klase Molluska) Ito ay ang mga klase ng hayop na malagkit ang ilalim katulad ng mga suso.

Mga sanggunian

  1. English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X

Silipin din

Ang Millipede ay isang invertibrate sa grupong Arthropods o Arthropoda.
Tingnan ang katumbas na artikulo sa English Wikipedia para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.

This article is from Wikipedia. All text is available under the terms of the GNU Free Documentation License.